How To Make Your Business Successful Like McDonalds

McDo.

Isang Billion Dollar MASSIVE company. Nagse-serve ng billions worth of hamburgers, fries and other fast foods every year...

...pero pinapatakbo ng mga teenagers, fresh grad and even kids.


 Pano kaya nila nagagawa yun?
 



Hindi ka ba nagtataka pano nagagawang patakbuhin ng mga teenagers at mga bata ang billion dollar company na 'to?

Paano?... Simple lang. 


The answer is SYSTEM.

Sa Mcdo, kapag may nag-order, ang gagawin lang ng cashier...

Step 1: Kunin ang order ng customer.
Step 2: Pindutin sa monitor ng computer kung ano yung inorder nila.
Step 3: Kunin ang pera mula sa customer.
Done, ambilis lang dahil sa "Effective SYSTEM".

Kahit sino kayang gawin yun... teenager, bata, matanda, etc.

Sa kusina, kapag magluluto ng french fries, ang gagawin...

Step 1: Ibuhos ang fries sa lutuan.
Step 2: Pindutin ang button.
Step 3: Kapag tumunog, hanguin ang lutong french fries.



Simple lang dahil sa "Effective SYSTEM".

Kahit sino kaya rin gawin yun!

At yun ang dahilan... WHY this billion dollar company can be run by teenagers and kids.

It's all about a Simple and Easy To Use SYSTEM.

Pano kaya kung magkakaron ka rin ng isang Simple and Easy BUT Effective SYSTEM sa business mo?

Ano kayang pwedeng mangyari?

Hindi ka na kaya mahihirapan sa business mo?


Finally...magsisimula ka na kayang magkaresulta?

With a SYSTEM, everyone has the same advantage and the same opportunity regardless of your background, skill level and age.



A SYSTEM gives everyone a Level Playing Field.


Eto ang Good News!

A powerful SYSTEM has just been LAUNCHED last August 27, 2014!

System na pwede mong magamit, para magkaron ng massive success sa BUSINESS mo through Online Marketing! 


Iclick mo lang ang link na eto para malaman mo kung papaano malaman ang SYSTEM na ito: LEARN THE BUSINESS SYSTEM.

Kung may katanungan ka, mag-iwan ka lang ng comment sa baba, or iclick mo lang ang link na "About Me" sa bandang taas para malaman mo ang contact details ko.

Salamat and God Bless you in your MLM Business!

Alternative Way of Doing Network Marketing Business (Part Two)


Welcome back kaibigan! Salamat sa muli mong pagbisita sa blog site ko. Medyo natagalan ng konti
etong Part 2 ng article ko tungkol sa Alternatibong Pamamaraan ng Pag nenegosyo ng Network Marketing. Kaya dapat ay simulan na natin.

Sa aking palagay ay MALI ang pamamaraan ng mga traditional Networkers na maliitan at balewalain ang Employment at traditional businesses. (Hindi ko na babangitin yung para sa tradisyonal na negosyo. Sa Employment na lang ang uulitin ko para ma review yung Part 1.)
Oo, may tama sila sa pagsasabing ibang tao lamang ang pinapayaman ng mga empleyado sa kanilang pagtatrabaho, bukod sa kawalan ng "Time Freedom", dahil talagang hawak ng mga employer ang oras ng mga empleyado. At totoo din na minsan ay kapos ang sahod ng mga empleyado.

Pero...

Hindi naman tama na gamitin ang mga katotohanang ito para siraan at pahinaan ng loob ang mga tao sa kanilang pag eempleyo o pag nenegosyo.

At hinding hindi din tama ang mang HYPING, o mag display ng PERA, mga sasakyan, bahay at lupa, mga picture ng recognition o travel abroad, para ma-akit ang mga tao na sumali sa ating sari-sariling mga Network Marketing businesses!!!

Bakit?!?

Unahin natin ang HYPING. malinaw na malinaw na PAMBUBULAG ito. 

Kung hindi maingat ang mga nakikinig ay mabubulag sila ng PERA o kung anu ano pang ipinapakita, at "IPINAPANGAKO" o iginagarantiya ng mga speaker, na kikitain o makakamtan ng mga magpa Pay-In sa loob lamang ng ilang mga buwan ng pag Nenetwork Marketing. 


At kahit totoo na hindi sapat na umaasa lamang sa Employment at Traditional Businesses, wag natin sila idiscourage mag trabaho, dahil:

NAPAKA IMPOSIBLE mag business ng Network Marketing na wala kang "Pang-Galaw" o gasolina sa Networking mo! 

Kaylangang kaylangan ng isang nag Nenetwork Marketing ng continuous na supply ng pondo para makapag negosyo.

Kaibigan, dahil sa dalawang puntong iyan kaya madaming mga Networkers ang NAPAPASO at talaga din namang NASUSUNOG sa pag Nenetworking.


"97% of network marketers never reach a positive cashflow in their business." -Ann Sieg
Kaya eto ako ngayon at ihinahain sayo ang aking "Alternative Way of Doing Network Marketing Business", na ayon nga mismo kay Robert T. Kiyosaki ay:

"Keep your daytime Job and join a Network Marketing Business"

Eto ang sa aking palagay ay ang pinaka Epektibong pamamaraan para mag Network Marketing. Mag-uumpisa tayo sa trabaho o tradisyunal na negosyo, upang:
  1. Kumitapara sa ating mga pang araw-araw na pangangailangan,
  2. Matuto ng mga mahahalagang Life Skills,
  3. Magkaroon ng mga Contacts (mga kaibigan at kakilala)
at pagkatapos ng trabaho (o kung pwedeng maisabay, o kapag may libreng kang oras) ay ang pag Nenetwork Marketing.

Sabi nga ulit ni Kiyosaki:

"You do not get rich at work, you get rich in your SPARE TIME"

Kung papaano pagsabayin ang Employment at Network Marketing ang magiging topic ng aking susunod na article.


Salamat muli sa iyong oras! Kung na-enjoy mo basahin ito, paki-share sa mga friends mo sa facebook o twitter.

God bless you and your MLM Business!

Your Partner in MLM Success,

Alternative Way of Doing Network Marketing Business (Part One)

Kamusta?! 

Matagal tagal din ang nakalipas ng huli akong nag post ng article dito. Ang huli ko pang artikulo ay tungkol doon sa ikalawang Matinding kasinungalingan sa Network Marketing, na nagsasabing hindi na daw natin pa kailangang magbenta talaga, kwento kwento na lang daw tayo sa mga kaibigan natin ang mga produkto ng ating kumpanya. Tama ba yun o mali? 

(kung nais mong malaman ang sagot, o mabasa yung article na iyon ay iclick mo lang ang link na ito.)


Gusto ko man ituloy ang pagbibigay pa ng lima (5) pang natitirang matitinding kasinungalingan tungkol sa Network Marketing, mas maganda siguro na hingin mo na lamang sa akin ang kopya ng ebook na iyon para ikaw na ang makabasa at humusga. 

Nasa bandang baba ang form para mapadalhan kita ng kopya nito sa email mo. Wag kang mag-alala, libre ito at pwede mo ding i-share sa grupo mo! :)

Oo nga pala! Gusto ko munang humingi ng paumanhin doon sa mga taong nag request ng ebooks, mga nag add sa akin sa facebook, mga nag message, at sa mga nag comment sa mga posts ko. 

Sa totoo lamang ay higit kumulang dalawang taon din akong napahinga sa pag boblog at pag nenetwork marketing, kaya hindi ko masyado naasikaso itong hobby at negosyo ko.


I'll try my best para ma follow up kayo. Lahat tayo ay mayroong madaming mga katanungan tungkol sa negosyo natin. 

Kahit ako sa totoo lang ay madami pang dapat na matutunan, maranasan at mapagdaanan sa industriyang ito. Kaya sana po maintindihan ninyo na hindi pa rin ako eksperto sa Network Marketing. 

Ang haba na naman ng introduction ko, so simulan na natin...

Ang ibabahagi ko ngayon ay sa opinyon ko ay isang posibleng alternatibong paraan ng pagnenegosyo ng Network Marketing. At para maipakita ko ang alternatibo, pagusapan muna natin ang kalimitang pamamaraan o diskarte ng pag nenetwork marketing.



Madalas, ang unang exposure ng isang indibidwal sa MLM ay sa pag atend ng isang Business Opportunity Meeting o BOM. Sana ay dahil sa siya ay maayos na naimbitahan, at sana ay hindi sya na "kidnap" ng isang kaibigan o kakilala, o kaya naman ay nadaya ng isang flyer na ang nakalagay ay "Job Hiring".

BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN WAG MAGAGALIT! :)

Minsan naman, nakakadinig sila ng BOM thru One on One Presentation. At recently lamang ay nauuso na rin ang online o video presentations. 

Actually mas may recent pa. Ito lamang ay medyo nakakalungkot, kasi medyo nauuso na ang monoline o fast track mlm companies, na wala na daw recruit recruit, kasi nga naman monoline na eh, isang linya na lang, kumpara sa binary or mulit-level. So paunahan na lamang ang labanan. 

Legal ba iyon or illegal? Sa mga susunod na artikulo na lamang natin ito pagusapan.

Halos alam na alam na natin ang laman ng mga BOMs or Business Opportunity Meetings. Siguradong sigurado naandyan ang 3Ps of the Company: the Profile, the Products, and the Plan (marketing plan o kitaan). 

Naandyan din ang pagtatalakay sa mga reasons why you will do the business. Hindi na rin maiiwasan ang HYPING, o pag didisplay ng pera o mga cheke ng mga top earners ng Company. Hindi lang pera o cheke, pati rin mga sasakyan nila, mga bahay at lupa, mga travel incentives, at kung anu ano pa.

Naandyan din pinaguusapan ang mga rason bakit hindi tama o hindi sapat na umasa lamang sa pagiging EMPLEYADO. 

  1. Na kesyo hindi mo daw hawak ang oras mo. 

  2. Na kahit pa sigurado nga ang sweldo mo tuwing akinse at katapusan, wala ka pa din daw chansa na kumita ka ng malaki sa trabaho. 

  3. Na kesyo daw ibang tao ang pinayayaman mo. 

  4. Na ang sweldo mo daw sa akinse ay gagamitin mo lamang para sa araw-araw na pangangailangan mo hanggang sa katapusan, at ang seswelduhin mo naman daw sa katapusan ang sya mo din daw gagamitin pang araw-araw hanggang sa kinsenas and vice versa. 

  5. At ang masama pa nga naman minsan, ay kulang pa para umabot sa akinse o sa katapusan.

Hindi lang employment ang "pag-uusapan" sa BOM. Pati na din mga tradisyonal na negosyo.


Negosyong kagaya ng mga grocery stores, bakeries, ukay-ukay, computer shops, etc. Tapos pagtatawanan pa dyan ang pinaka pangkaraniwang negosyo ng isang pinoy, ang SSS o sari-sari store.

Unang una nilang pagkukumparahin ang CAPITAL na kinakailangan para maittayo ang business mo, kumpara sa kung magkano lamang na membership para makapagsimula ka sa negosyo ng kumpanya. Na sa traditional business nga naman daw, ang chance mo para mag succeed ay isa sa sampu lamang (1/10 o 10% ayon kay Robert Kiyosaki).


Pangalawa daw ay ang mga produkto. 

Halimbawa daw ay bigasan o rice dealership ang napili mong negosyo, so natural, bigas ang produkto mo. Sa isang sako halimbawa ay may 50 pesos kang tubo. Ikukumpara iyon sa tutubuin sa pagbebenta ng isang bote ng produkto nila, halimbawa ay mga 200 hanggang 500 piso isang bote.

Kumpara nga naman daw sa bigat at laki ng produkto, mas magaan at mas maliit ihandle ang mga bote bote ng mga produkto ng kumpanya kumpara sa sako sakong bigas ng tindahan mo. Etc, etc...

Oo, may punto naman ang mga sinabi nila sa BOM tungkol sa pagiging empleyado at tungkol sa mga tradisyonal na negosyo.

Pero hindi ba masyado naman yata nilang minamaliit at binabalewala ang mundo ng employment at mga tradisyonal na negosyo?

Hindi ba't sa employment at tradisyonal business karamihan tayo binuhay at pinalaki ng mga magulang at mga lolo at lola natin???

Ikaw, ano sa tingin mo? Ano ang una mong exposure sa Network Marketing? Na "kidnap"ka ba o nadaya o naimbitahan ng maayos?

Tama ba o hindi ang pamamaraang ito ng mga Business Opportunity Meetings?


Salamat po sa oras ninyo at sa pagbasa! Abangan nyo po ang Part Two! :)

Makiki-share na din po nitong article o post na ito sa mga friends nyo sa facebook at twitter.

God bless you and your MLM Business! Your Partner in MLM Success,

 

It is all about your JOURNEY in life


Being a Most Vauable Player is just an expression, materialization or translation of who you really are inside.

All your achievements, possessions, worth, ideas, faith, dreams, aspirations, materialization, when everything you wanted, everything intangible in your mind, heart and soul has become TANGIBLE, all of these tangibles are just the tip of an iceberg.

What people see, what you can show is just the tip of the iceberg; immaterial, i mean, these does not matter. Cars, houses, doodads, achievements, etc., these are just a foretaste to people of your worth and value.