Ngayong darating na August 1, 2015 ay ang aking 1st year Anniversary sa pinag tatrabahuhan kong Call Center. Naaalala ko last year, sobrang saya at Proud ako nung natanggap ako dito. Bukod kasi sa napakalapit sa inuuwian ko, malaki pa ang sweldo, technical support kasi ang account ko.
Napakasaya namin nung training, petiks petiks lang! Tapos nung nag tatake-in na kami ng calls, medyo kinakabahan parin pero todo effort at pakitang gilas. Productive naman lalo na nung mga bandang 4th-5th month na, medyo gamay na halos lahat ng proseso. Tapos syempre ang pinakahihintay ng lahat ng mga New Hires, ang Regularization! Nakuha ko naman sya sa ika 6th month ko, as usual.
Nung ika 8th month ko, by God's grace, nakuha ko ang title na Top Agent for the month of April 2015 (with a perfect score of 5.0)! Sobrang overwhelmed ako nun! I feel unworthy talaga. Sabi ko pa nga sa sarili ko, malamang CHAMBA! hehehe...