Ang Pangalawang Pinaka-Matitinding Kasinungalingan sa Network Marketing

Last time ay napag-usapan natin ang una sa pitong pinakamatinding kasinungalingan sa Network Marketing, at yun ay "Everyone is your Prospect" daw. At ngayong alam na natin na ito ay hindi totoo, dapat ay na analyze na natin kung paano i-aapply ang concept ng Target Market sa MLM business natin. Kung hindi pa ay maaari mong basahin ang series ko about Target Market: the Cold, the Warm and the Red Hot Market.

Ngayon naman ay yung Pangalawang Pinakamatindi ang pag-uusapan natin:

Greatest Lie #2: "You do not need to sell, You just share our products to other people."

Ito ay pangalawa sa pitong pinakamatinding kasinungalingan, pero para sa akin ay dapat ito ang Una o pinakamatinding kasinungaingan sa MLM business natin. Salungat ito sa konsepto ng Network Marketing, which is "the movement of products without the use of middlemen". Paano mag momove ang products kung hindi tayo magbebenta di ba? Ang MLM business nga kapag walang produktong ibinibenta ay hindi na MLM, kundi PYRAMIDING SCHEME na. Kaya napakahalaga ng pagbebenta sa Network Marketing.

Maraming tao ang naeenganyo sumali sa MLM dahil sa kasinungalingang ito. Alam natin na isa sa mga pinakang dahilan kaya ayaw sumali ng mga tao sa Networking ay dahil ayaw nila magbenta. At di natin sila masisisi. Napakahirap talaga magbenta. Ang isipin pa lamang na lapitan ang iyong mga kaibigan, kapamilya, kapitbahay, etc. para alukin ng isang produkto ay nakakikilabot na para sa maraming tao. Anu pa kaya kung mga taong hindi nila kakilala ang lalapitan nila?

Dahil dito sa kasinungalingang ito kaya wala nang pagsasanay sa pagbebenta na ginagawa para sa mga bago at kahit mga beteranong pinoy networkers. Dahil din dito kaya madaming mga tao ang "Napapaso" o "Nasusunog" sa Network Marketing.

Ang simpleng Juan dela Cruz na na-engganyo sumali sa MLM dahil di daw kailangang magbenta bagkus ay "ibabahagi" lang nya ito sa kanyang mga kakilala. Akala nya ay magiging madali lamang ang negosyong ito, at magiging mabilis ang kanyang pag-asenso dahil na rin sa pang ha-HYPE ng Speaker sa BOM.

MAGUGULAT na lamang sya kapag walang resulta ang "pagbabahagi" nya ng kanyang mga produkto sa kanyang mga kakilala. At dahil nga walang pag-sasanay, ay halos IPAMAHAGI na o ipamigay ni Juan dela Cruz ang mga produkto nya, pero wala pa ring nagiging resulta.

Bakit? Aba ay simpleng common sense lang!

"If You Are In Network Marketing, You Are In Sales." - Ann Sieg


Ang pagbebenta ay hindi pagbabahagi ng iyong testimonial o "Word of Mouth." Madalas sinasabi sa atin na "Word of mouth" is the best advertisement at totoo iyon. Nga lang, hindi sya effective kung yun ay gagamitin ng taong may interes sa kanyang testimonial o "word of mouth".

Magulo ba? Gumamit tayo ng halimbawa. Kunwari ay kumain ka sa isang BAGONG fast food restaurant para subukan ang serbisyo at tikman ang pagkain nila. Hindi mo inakala na mapapahanga ka sa naranasan mo sa fast food na restaurant na iyon. In short, "Excellent!" ang personal experience mo sa kanila.

Paano mo "ibabahagi" ang experience mo sa iyong mga kakilala? Maeengganyo mo naman kaya ang iyong mga kakilala na subukan din kumain sa fast food na restaurant na iyon? Siguradong sigurado. Yan ang totoong power ng "word of mouth", dahil wala kang commission o financial na interes sa pagbabahagi mo.

Nakapagtataka lang talaga kung bakit nawawalan ng power ang "word of mouth" kapag may financial interes na. Nawawalan tayo ng confidence sa pagbabahagi. Nawawala ang pagka-natural, nagiging pwersado ang pagsasalita natin, madaming mga bagay ang tumatakbo sa isipan natin. Ang rekomendasyon natin ay nagiging sales pitch na. At Ramdam lahat ng iyan ng mga kausap at kakausapin natin.

Conclusion - Kapag nasa Network Marketing ka, Mag-aral ka Magbenta!



Kung gusto mo ng Libreng Ebook na iyan ni Ann Sieg, fill up mo lang ang form na nasa baba para maisend ko sa email mo yung ebook ni Ann Sieg.

Salamat ng marami sa pagbasa sa aking blog! God bless you and your MLM Business!

Your Partner in MLM Success,
 



Gusto mo ba ng Libreng Ebook? Fill Up lang! :)

Name


Email *


Cellphone# (optional)


Message (optional)
Powered byEMF Web Form
Report Abuse

No comments: