Flaws and Shortcomings of Network Marketing (Part 1)

Bilang isang Network Marketer, kailangan natin malaman at maintindihan hindi lang ang mga advantages, benefits o ang kagandahan ng MLM business, kundi pati na rin ang mga disadvantages, o kakulangan nito.
Pag-aralan natin ang ilang mga "Alibi" o excuses ng mga kritiko natin sa negosyong ito pag niyayaya natin sila mag-join. Tignan din natin ang ilang Tagline ng mga Networkers pag nag-aalok sila ng membership. Baka may makita tayong mga maling konsepto dito at kahinaan ng negosyo natin na pwede nating masolusyunan. Lahat ng ito ay makakatulong para makita natin if our Network Marketing concept is really SOUND.

Paalala lang po, hindi po ito pag-atake o paninira sa negosyo natin, dahil mahal ko ang negosyong ito. Actually nga pinag-aaralan ko talaga kung papaano pa mapahusay ang pagnenegosyo ko dito.

#1: Sa una lang yan!

Sound's familiar? Lagi na lang reason ito ng mga aayaw sa networking. May kasunod pa yan: "Balikan mo na lang ako pag kumita ka na"? Pero valid nga bang shortcoming ito ng MLM? Let's be honest, in a way totoo ito. Marami nang MLM company ang natuklasang Fly by Night at Scam. Madami na din ang nagsara. Siguro hindi lahat completely mawawala, at magpapatuloy pa rin mag-eexist, kahit na break even point lang. Kalimitan tuloy ay unti unting nawawala ang interes ng mga taong gawin ang negosyo, at tuluyan na silang hihinto o lilipat sa ibang kumpanya.



Maaaring tumagal ang "power" o drive ng MLM Company ng 1 year, 5 years o more than 10 years, depende sa mga "pakulo" nila na mga marketing activities gaya ng celebrations, anniversaries, expansions, events, etc. Pero i-try nating sukatin at obserbahan ang pangkaraniwang networker kung gaano katagal sya ma hype gawin ang business sa tulong ng "inspiration" ng company nya.

Ikaw? Nakaranas ka na bang mag-sawa o panghinaan ng loob na ituloy ang pag-nenetwork mo sa isang company? Nakaranas ka na bang lumipat sa ibang MLM Company? Pwede bang i-comment mo sa baba kung bakit?

#2: Bagong company to! Pioneering tayo!


Isa ito sa mga kalimitang "Selling Point" ng mga networkers. In a way related ito sa #1. Kasi pag nawawala na ang "Power" ng isang MLM company, bumababa din ang interes ng mga tao nito, at magsisimula na silang maghanap ng mas bago at magandang kumpanya na may mas bago, exciting at saleable na product.


Ang totoo nga, may "Piracy" din sa negosyo natin! Nangyayari ito na ang isang Top Earner o leader ng isang MLM company ay liligawan ng isang pang MLM company ng Top Leader Position kapalit ng pera, kotse, at kahit co-ownership ng company. Minsan naman ay kusa nalang silang mag-dedecide to break away from the company para magsimula ng bago.

Pag kapwa networker mo naman ang naalukan mo, isa sa mga common questions nila ay kung kelan ini-launch ang company. Bakit? Simple lang, kung pipili ka sa dalawang MLM company, same products, same Marketing Plan, same management, purpose, membership cost, etc, etc, pero magkaiba ang launch date, yung isa ay bagong launch lang, tapos yung isa ay 5 years ago ang launching, alin ang pipiliin mo?

At ang cycle na ito ay patuloy lang na mangyayari. So it's safe to say that each MLM company has a limited lifespan, or earning capacity, kahit ilang taon pa ang abutin.

#3: "Pumosition na agad tayo, para mas masalo natin mga mag me-members !"

Marahil ay continuation ito ng #2. Siguro alam nanating lahat na "the earlier you register, the better" kasi the higher you are in the MLM hierarchy, the more bonus you earn. 

Oo, totoo na posibleng ma "overtake" ng downline ang kanyang upline kung mas masipag sya. Pwedeng mas malaki ang kinikita ng downline kesa sa upline, PERO, nakangiti pa rin si upline, kasi definitely may advantage pa rin sya sa activities ni downline. Unless yung taong nasa taas eh di nya under sa organization nya ung masipag na "Crossline" nya, sila pareho ay still downlines nung nasa taas ng organization nila. Itong pinaka upline na ito ay panalong panalo.



Tignan natin yung term na "TOP Earner(/s)". Anong sumasagi sa isip natin pag sinabi yan? Di ba sila yung mga taong kalimitang nasa listahan ng mga leaders na pinaka-malalaking kita sa company? Sila yung usually mga nauunang nag-join, at pinaka tuktok ang position sa organization. Yung next sa kanila ay syempre, directly below nila sa organization, mga nahuli lang ng konti sa membership, pero still positioned higer than the rest. So on and so forth.

Ang ibig sabihin nito, In order for one to be earning a lot, dapat isa sya sa mga naunang sumali, naka position sa taas ng organization, AND definitely have hundreds if not thousands of people below him. ito ang tatalakayin natin bilang #4.
Ano sa palagay mo? Una-unahan nga ba ang labanan sa MLM? Kahinaan nga ba ito ng Network Marketing? Worth pa rin ba gawin ang ganitong Networking business? Feel free to leave a comment below.

Thanks!

No comments: